to wither away

just BE
just write.

pagpupugay sa mga magsasaka

October 19, 2007

 

 Sa bawat bukang-liwaway,

Ininda mo ang kirot na nadarama

Ng katawan.

Ng iyong damdamin.

Ipinunla mo ang iyong pag-asa

 Sa bawat palay na itinatanim

Ang pagyakap ng iyong palad sa bawat bungkos ng palay

Ay katulad ng pagyakap sa lipunang, pilit mong binubuhay

Habang ang marami ay nagpapakasasa

Ikaw ay nagluluksa

Sa huwad na reporma sa lupa

Ako, kami, ay iyong kasa-kasama

Sa pag-aalsa laban sa mapaniil na sistema

Pagkat bawat butil ng kanin, ng bigas

Ay katumbas ng bawat patak ng iyong luha, pawis at dugo

At sa pagniniig ng liwanag at dilim

Ikubli ang takot sa kadiliman

Hayaan mong pukawin ka ng karanasan

Gisingin mo ang iyong kamulatan

Bumangon ka mula sa alinlangan

 

Gumising ka.

Bumangon ka.

Gumising na.

Bumangon na.

 
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by maiiam at 12:29 pm | permalink | Add comment

para kay kuya anthony, maligayang kaarawan

October 11, 2007

sa darating na Lunes, ilang taon na kaya?

ikaw?

at ilang taon na rin naghihirap ang iyong pamilya? 

kaya mo kayang bilangin?

ang mga pangarap mong inukit mo sa hangin?

mga taong ang pamilya ay pinagmalupitan 

ng mga huwad na reporma sa lupa ng mga makapangyarihan?

 

asahan mo

sabay natin silang bilangin  

sabay nating hahamakin ang sistema

na nagpapasa sa interes ng iilan

habang ikaw, kayo, tayo ay walang pakundangan na inaapakan.

sabay tayong tumindig at manalig

na hindi tayo nag-iisa sa hangaring baligtarin ang tatsulok

darating ang araw

na sisikat ang umaga

na ikaw, tayo ang nakatindig

sa tugatog ng tagumpay.  

 

 

 

 

Posted by maiiam at 2:17 pm | permalink | Add comment

sana palaging anjan ka lang, jan

October 10, 2007


 

sa gabing malamlam

na dati'y pinagasaluhan natin sa bawat

pagsusunog ng kilay

para sa physics, sa p.e., maging sa religion

pero madalas magkuwentuhan lang

madalas para sunugin lang ang katahimikan

 

pero bukas

ang iyong gabi ay magiging aking araw

 sa malayo

kung saan 

ang lamig ay kumakagat hanggang sa buto

habang masidhi ang init ng araw dito

nais kong akapin ang init,

igapos sa aking bisig upang ito ay ihatid sayo

sa ym, sa email

kung ito na lang ang tanging paraan 

upang mayakap ka.  

 

 

ang gabi ko ay malamlam

sa iyong paglisan

pero inaasahan na sa ilalim

ng iisang alapaap

ang parehong bituin ay patuloy na kikislap

ang kalungkutan ay iindap indap.

 

hanggang sa muli nating pagkikita.  

 

 

Posted by maiiam at 12:19 pm | permalink | Add comment

nasa’n si mai?

October 9, 2007

kanina habang naglalakad patungong library, sa silong ng mga luntiang puno, sa dalisay ng hanging ng tanghali, biniro ko si nessa

 

gusto ko ng solitary confinement.

 

dininig ata ng diyos ang hiling ko. dahil dito, ngayon, kami ay nagbubulag-bulagan, nagbingi-bingihan, nagpapakapipi.tulog pero gising ang diwa. andito sila, pero ako ay nag-iisa.

 

 mas masakit pala na kung kailan ka andito sa bahay, mas nararamdaman mong wala ka.  

umaalingawngaw ang katahimikan. nagagap ko  na ang lahat. mas malinaw. mas masakit.

 

ah, eto pala ang solitary confinement– tahimik ang sakit na dalisay. mismo. 

Posted by maiiam at 11:56 pm | permalink | Add comment

kung ang lahat ng araw ay sa akin

October 8, 2007

Pag-uwe mo sa bahay, inabutan mo ako ng dalawang balot ng tskolate. matamis. materyal. mahal. Happy birthday. sabi ng dalawang balot ng butterfinger. Pumasok ka sa iyong silid, ipininid ito at pinalitan ang iyong puting uniporme ng blusang asul na sinuot mo na din noong Sabado pagpunta mo sa simbahan. Sa ating hapag-kainan kung saan hindi inihanda ang lamesa, nakatago ang mga pinggan, ang kutsara't tinidor, inilatag mo ang iyong libro. Ang librong kasing kapal ng aking hinliliit na pinabili mo noong nakaraang book sale. Inilatag mo ang libro mo sa mesa, nagtimpla ng kape at nagbasa. Umupo ka at nagbasa tulad ng ginagawa mo sa araw araw. Inilapat mo ang higit kumulang 800 pahina ng mga dunong magpapayaman sa iyo. Inaaral mo ang mga bagay na magpapayaman sa iyo, ang mga bagay na magsasauli ng perang pinangtustos sa pag-aaral mo.

Ilang minuto ang nakalipas at niyaya ka ng umalis. Iwan ang isang 800 pahina upang maranasan ang lumabas at madampisan ng sariwang hangin sa gabi, hindi amoy alkohol o dugo. Ngunit nag-atubili ka, at nangangalit na sinabing "bakit ba kayo nagmamadali?" Gusto na kita sanang sampalin ng mga salitang, 'kahapon ka pa ganyan!" Kahapon ka pa nagmamadali. Nagmamadaling hindi kami pagbigyan. Isang araw ka lang magtitiis, nakuha mo pang magmadali. Nag-aantay kasi si mami, sa kanto na walang katiyakan, kailangan magmadali. Pero ang una mong naisip ay lalamig ang iyong kape, maiiwan ang mga pahinang kating-kati sa iyong muling pag-haplos sa kanya. Kating-kati na rin kami na iwan mo ang sarili mo, kahit isang gabi lang, kahit ilang sandali lang. Galit pang hinanap ng iyong bibig ang insulated mug para sa iyong kape. 

 

Inantay ka namin tulad ng pag-aantay naming mapawi ng magandang buwan ang poot mo. Hinipan ng malamig na simoy ang iyong diwa patungo sa akin. Alam ko na, kakaalis pa lang natin, nagmamadali ka ng umuwi.  Hanggang ngayon ay nag-aantay pa rin kami. Hanggang bukas ay marahil mag-aantay pa din. 

 

Pagkatapos ng isang bandehadong kanin, plato ng asparagus, tasa ng tsaa, mangkok ng beef wanton, plato ng steamed lapu-lapu at calamares, sa abot ng aking makakaya, pinilit kong 'wag kang tignan. Iniwasan kong magniig ang ating paningin. Alam kong duduruin lang ako ng iyong mga titig, paagusin nito ang batis ng luha ng inis na kinimkim ko. Pero hindi ko nakayanan. 

 

Sinimot natin ang isang libong mahigit na hapuan, bago ka magsimulang magsalaysay, inakusahan kitang nagrereklamo. Hindi ako nagsisisi. Tinanong mo ako kung masama ba ang magkuwento, sinabi ko, hindi. Tumahimik ka, dahil alam mong hindi ka lang nagkukuwento, dahil kung alam mong nagkukuwento ka (lang) hindi ka titigil, hindi ka tatahimik, at di ka dudukot ng panyo iyong bulsa at hindi mo dadampiin ang luhang naiipon sa gilid ng iyong mata. Pero, tumahimik ka, tumahimik din ako. Sa katahimikan, bumalik ako sa mangkok ng aking beef wanton, ginagalingan kong ihiwalay ang litid sa karne sa pamamagitan lang ng aking tinidor. Ginagalingan kong di mo mapansin na tinitignan kita sa gilid ng mga mata ko. Tumahimik ka, tumahimik ako, tumahimik si mami, tumahimik si dadi, tumahimik si ate pero nangungusap ang ating mga damdamin. Kung pwede lang lahat tayo ay sabay sabay na dumukot ng ating panyo sa ating bulsa at dampiin ang mga namumuong luha sa gilid ng ating mga mata, ginawa natin iyon. 

 

Dahil hindi lang tayo ang nahihirapan. At kung nahihirapan man tayo, wala ito sa hirap na dinaranas ng iba. Ate, wala iyan sa hirap na nararamdaman nina mami at ni dadi, pati na ako at ni ate. Oo, inaamin ko na tungkulin kong makinig, pero sana aminin mo na minsan tungkulin mo ding makinig, kahit minsan. kahit minsan man lang sana, sa araw namin.  

 

 

Posted by maiiam at 9:47 pm | permalink | comments[1]

RIGHTS

October 4, 2007

Ito ang mga sumusunod na mga pelikulang pumapaloob sa koleksiyong naghahatid na imulat ang mga mamamayan ukol sa mariing pagbabaliwala sa mga karapatang-pantao:

 

Pam Miras: THE GOOD NEWS
Mike Dagnalan: DIYARYO
JL Burgos: DEFINITION 1
King Catoy: UNANG ARAW
Jon Red: IGNORANTE
John Torres: ONE TILTED SCREEN
Sunshine Matutina: JUAN, TAKBO! and THE DISAPPEARED
Paolo VIllaluna: TANGA
Sigrid Andrea Bernardo: BANGKO O EROPLANO,LOST AND FOUND
RJ Mabilin: HUMAN RIGHTS WORKER
Kiri Dalena: WHERE IS JONAS? and ADELISA
Sigfreid Barros Sanchez: DUKOT and KARNE
Nino Tagaro: IKAW?

 

 

Ito ang pinaka-nakaantig ng damdamin ko. salamat sa inisyatiba ng mga filmmaker na lubusang binaka ang pang-iipit ng MTRCB. lalong nagtatanong ang tao kung bakit kailangan kayong higpitan, at lalo lamang ito naguudyok ng hanapin ang kasagutan. salamat sa pagpukaw sa damdaming maka-tao, maka-bayan.

 

 

 

Posted by maiiam at 6:08 pm | permalink | Add comment

Karapatang ipalabas ang Rights

Mariing kinokondena ng UP SINING AT
LIPUNAN (UP SILIP) ang pahayag mula sa
MTRCB na pagkakategorya bilang X-Rated
sa RIGHTS : isang koleksyon ng mga
public service announcements mula sa
iba’t ibang filmmakers.

Ayon sa MTRCB, makaisang panig at
pagmamaliit sa pamahalaan ang nilalaman
ng naturang maiikiling vidyo kaya't di
ito nararapat na maipalabas sa publiko.
Tampok sa mga vidyo na ito ang mga
pananaw ng mga artista't filmmaker sa
iba't ibang isyu ukol sa karapatang
pantao—mga sapilitang pagkawala,
pulitikal na pamamaslang, pagsupil sa
kalayaan sa pamamahayag at iba pang
paglabag sa karapatang pantao. Ngunit
ang bawat artista ay may kalayaang
pumili ng nais niyang panigan. Sa
pagkakataong ito, sa mga biktima–ang
mamamayan.

Ang ganitong uri ng paniniil ay isang
paghadlang sa karapatan at kalayaan ng
mga alagad ng midya at ng sining na
magpahayag. Marahil ay takot lamang ang
mga institusyong ito na makita ang tunay
na mga kaganapang sila mismo ay ayaw
nilang harapin at tugunan.

Naniniwala ang UP SILIP na ang pelikula
ay isang makapangyarihang porma ng
sining at nararapat lamang na magsilbi
ito sa panlipunang pagbabago. Kaya naman
bagkus na censorship, pagkilala at
pagpupugay ang dapat ihandog sa grupo ng
mga filmmakers na ito na ginamit ang
kanilang sining para ipamalas ang
katotohanan. At sa ganitong mga
insidente ng represyon, higit lamang
nilang pinupukaw ang pagnanais ng mga
artista't filmmaker na patuloy na
lumikha, magsiwalat at magmulat.



Ipagtanggol ang mga karapatang pantao!

Ipagtanggol ang kalayaan ng sining at ng
pamamahayag!


Sumipat at mamulat.

-UP SINING AT LIPUNAN

 

* sa ngayon, ibinaba ng MTRCB ang naunang X-rating nito sa RIGHTS, ito ay ginawa ng R-13.  

Posted by maiiam at 6:00 pm | permalink | Add comment

nestled injustice: there’s blood in your cofee

there's blood in your coffee,

flesh of every child who labored for your block of chocolate, 

children who are starve for nourishment for every 30-second ad of formula.

the injustice that nestle impose upon its workers and consumers alike is impossible to neglect. 

 

 CHOOSE WELLNESS. DON'T CHOOSE NESTLE.

 

 

Posted by maiiam at 5:17 pm | permalink | Add comment

theory of the warmth

August 19, 2007

while doing the long-delayed paper for 120, in the midst of tip-tap-tapping numbers and empty words away the thoughts of the things that i miss in my life came in clear view. 

 

if there is one thing that i miss in my life it is being able to sleep guiltlessly at night and falling in love. 

 (hahaha they are considered as ONE).

 

because falling in love is falling into a deep slumber into secret gardens, blue skies, and morning dews where dreams is no different from reality.

Posted by maiiam at 6:30 pm | permalink | comments[1]

pass your paper!!

August 18, 2007

di ko akalain na ganito pala kahirap magpasa ng papel. ang umupo sa harap ng kompyuter magdamagan at mag-isip. hinahamak ka ng puti at blankong espasyo, nag-aantay na punan mo siya, nag-aantay, habang ikaw rin ay nag-aantay dalawin ka ng sipag at lohika. pero di dumadating, minsan pinipigilan pa. tinatanong ko ang aking sarili, "para saan ba ito?"

 

para kanino ba ito?

 

para sa uno? dos? o sige na nga, kahit pa singko. pero para kanino? para kanino ba ang paggawa ng isang papel tungkol sa political preference at voting behavior ng tatlong komunidad sa new york noong 1962? hindi naman 'to maghahapag ng hapunan, hindi naman nito maiibsan ang mga problema sa lipunan, hindi naman nito mapapanatag ang kalooban ng masa. bakit ko pa to gagawin?

 

ang hirap naman kasi, sa mga taong pilit na pinipinid ang diwa, ang lahat ng bagay ay para sa diploma na lamang." University of the Philippines… BA Communication Research." Tapos magtrabaho daw kami sa mga malalaking kumpanya, makakapag-travel daw kami kung 'yun daw ang tatahakin naming landas.. "i could have never traveled and i could have never seen the world if not for this profession." PROFESSION! kumita ng pera, pera PERA! pero asan ang maglingkod? SERBISYO?? 

 

wala wala WALA. masisisi mo ba ako kung bakit kahit isang buwan ang binigay na palugit upang tapusing ang descriptive paper na ito ay di ko pa rin siya tinatapos (–> sinimulan ko naman)? masisisi mo ba ako kung nais kong hanapin ang magiging kabuluhan nito sa lipunan, kung ano ang kaya nitong iambag sa masa?

 

dati hindi ganito kahirap ang magpasa ng isang papel, kasi ngayon alam ko na ang paggawa ng papel, ang pagpuno sa blankong espasyo ng 8.5X11 ay hindi lang paglalaro ng mga salita. ngayon alam ko na. 

Posted by maiiam at 11:11 pm | permalink | Add comment

ewan ewan

August 6, 2007

minsan niloloko ko na lang ang sarili ko na ikaw ang gusto ko mangyari.

ikaw ang ideya ko ng liwanag.

ikaw ang pagniniig ng kagandahan at pangako.

minsan umaasa na lang ako sa aking pagpapantasya

ako na hindi ka maabot

ako na nagkukunwari at nagbabakasakali.  

 

sa sarili kong katahimikan

natututo,

nagpaparaya

hanggang dito na lang.  

 

 

 

 

 

 

Posted by maiiam at 1:08 am | permalink | Add comment

Hibla*: isang sanasay tungkol sa pagbubunot ng patay na buhok at pagkabuhay ng kamalayan

July 22, 2007

OO na. Mahilig na kung mahilig. Kahit pa takutin ako ng nanay ko na makakalbo ako katulad ni ninang ganito, wala akong pakialam. Para sa akin, walang makakahadlang sa pagkahilig ko sa bisyo na tinuring  kong higit pa sa isang sugal. Isa itong uri ng paligsahan,   pakikipagsapalaran, at isa ring tagumpay.  

                      Masarap talga magbunot ng patay na buhok.

 

                      Paligsahan:

 

               “Umupo sa isang bakanteng silya na malapit sa liwanag. Sumandal ng bahagya, pakawalan ang buhok mula sa pagkatali,  suklayin ng iyong mga kamay. Gamitin ang hintuturo at hinlalaki upang maglakbay sa gubat ng iyong itim na buhok. Hayaan mong ipiston nila ang bawat hibla, hanapin ang magaspang, at baku-bakong hibla. Mas magaspang, mas baku-bako, mas kulot, mas patay, mas matagumpay!

 

              Inunahan ko ang antok isang araw ng Linggo habang nagmimisa ang pari nang malunod ako sa katahimikan at init ng tanghali, una, hinaplos lang ng daliri ang aking buhok, sinuklay at saka ginalugad. Sabi nila sa lahat ng bagay mahirap mag-umpisa, tumanggi ako. Mas mahirap magtapos. Matapos ang sermon at pagbabasbas, umuwi      ang aking mga nangangalay na braso na puno ng grasya, ng bagong talentong natuklasan sa panahong dapat inilapat ang palad sa dibdib sa pagdarasal.

 

                   Ang pinakakinasasabikan ko -higit sa kung gaano “kapatay” ang buhok na mabubunot ko- ay ang panahon na katuwang nito na nilalaan ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na iniinda ko sa   karaniwang oras. Mga katotohanan na tinatalikuran ko lamang at pilit na  inukubli sa anino ng aking mga halakhak at ngiti. Ito ang pagkakataon  na nakikipagtalastasan ako sa aking sarili habang blankong nakatingin sa  mga mapa ng tubig ulan sa aming kisame.

 

                  Habang ginagalugad ang gubat ng aking buhok, sabay kong tinatanong ang mga “bakit” ng aking buhay. Sa bawat hiblang aking hinahaplos, pinipiston ng dulo ng mga daliri, sumasaliw ang mga gunita ng kalungkutan. Kung bakit hindi kami mayaman, kung bakit naghihikahos ang bulsa’t kalooban sa kabila ng mga biyayang sa amin ay ipinagkaloob. Hindi nga tuyo’t tinapa ang laman ng aming hapag-kainan, ngunit ngumunguyngoy pa rin ang aming mga sikmura sa paghahangad ng mas maayos at panatag na buhay. Sabay bunot ng isang patay, makapal at kulut na kulot na hibla ng buhok. Hahawakan ang isang dulo ng aking hinalaki’t hintuturo, at hahaplusin ng kabilang kamay upang mapatunayan kung gaano kapatay ito. Maghahanap at maghahanap pa din, muling huhukayin ng aking galamay ang aking buhok hahanap ng mas patay, mas kulot, mas makapal na hibla na pwede kong ipagmalaki sa aking ate na kanya namang pandidirihan. Sa bawat patay na buhok na aking mabubunot alam kong “may mas patay pa sa patay”.

 

        Pakikipagsapalaran:

 

       “Hindi! Hayaan mo lang na mag-isip ang iyong kamay ayon sa kanyang kagustuhan. Huwag mong muling kitilin ang    pagkakataon na malaya niyang makaniig ang iyong itim at panaka-nakang along buhok. Huwag kang tumigil sa isa, mayroo’t mayroon ka pang mahahanap. Ang mga maiikling tutyang ang madalas na mainam na target, maikli nga   ngunit ituring mo itong hamon. Kapag nabunot mo, ilapat mo ang hibla sa liwanag, tignan ang baku-bakong daan, ang kinulot ng iyong isipan. 

Wag kang papatalo sa pangangalay ng iyong braso, hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo ang iyong gusto, kailangan mo magtiis, sa banding huli, mapapawi din ang lahat ng pagod.”  

        Sa muling paggalugad, ako’y kukuritin ng diwang kung bakit di ako natutong makuntento sa buhay. Kumakain ako ng tatlong beses, at minsan, higit pa, sa isang araw, na kaya pa naming manood ng telebisyon magdamag, na nakakapag-aral pa ako! Na sa kabila ng mga sakit na bumabanta sa buhay ng tatay ko, nilalabanan niya ang pag- aabang ng huling hininga dala ng taba ng baboy at asukal sa softdrinks.  Na ang nanay ko, sa kabila ng kakaunting suweldo at pagkalubog sa utang ay nakakabili pa ng gamot para sa tatay ko, nakakapamalengke pa, natutustusan ang pag-aaral ko, kahit nakakasakal ang lahat ng ito sa kanyang kita. Na kahit kaharian ng anay ang aming bahay, hindi pa rin ‘to gumuho matapos ang bagsik ni Milenyo. Na ako, kahit aanga-anga sa buhay, mahilig manood ng TV at maglakwatsa, nakakaraos ako at binabati ng mga dos sa pagsasara ng semestre. Hangga’t di pa nabubunot ang lahat ng patay na buhok, marahil di ko pa matututunang makuntento sa buhay.  

 

                    “May mas igiginhawa pa ang ginhawang aming nakasanayan.”

 

                    Bakit ako makukuntento sa semi-patay na buhok kung may patay na patay talaga? At bakit nga naman ako makukuntento sa isang buhay na may mas sasagana at igiginhawa? Ang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng patay ng buhok ay halos katumbas ng isang paligsahan tungo sa “first place” sa finish line ng buhay. Hindi ako nagpakahirap makapasok sa UP para lang maging taga-timpla ng kape ng kung sinong   posturang naka-kurbata, hindi nagpapakamatay ang nanay ko sa maghanap-buhay para lang mabigo ang kanyang pangarap, hindi lumalaban ang tatay para lang makita ang mas dayukdok na kinabukasan. Sa bawat buhok na binubunot, muling sisilay ang     panibagong hibla. Itinatanim ang mga pangarap, pinaghihirapang kamtin upang may anihin.

 

 

                   Ang bawat patay na buhok na aking kinasasabikan ay isangpangaral sa aking gunita na ang konsepto ng patay ay di sisilay kung ni 86  kahit minsan ay di ako natutong mabuhay.

 

        Tagumpay:

 
                   Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, tinuruan ang aking kamayat palad na hawakan ang ibang hibla, ang hibla ng aking mga pangarap— yakapin ng palad ang lapis, ilapat sa papel, makipagtalastasan sa isipan. Tagumpay.

 

*ipinasa kay Ser Romulo Baquiran, pangunahing sanaysay, pagsasalamin ng manunulat at pagpapakilala. 

 

 

Posted by maiiam at 12:24 am | permalink | comments[4]

5349*

Sa di-mabilang na panahon na magkasama kami ni Kika, memoryado ko na pati kilos ng bunganga niya. Kaya’t kapag namutawi na ang paunang katagang “pu” sa labi niya, alam kong galit siya. Pang-gabi kasi ang trabaho, este bisyo nitong si Kika, kaya kapag di siya nasarapan, este, natuwa sa kinalabasan ng gabi niya, alam kong kuwentong puro mura ang aking agahan. Pero kahit laway niya ang panghilamos sa umaga, tinatapos ko ang litanya ng kanyang mga problema. Marami ang nagtatanong kung paano ko siya natitiis sa kabila ng lahat, ang sabi ko: “madali lang makinig ang isang bingi."

*isang napaka-maikling kwentong ipinasa sa MPs 10, kay Ser Vlademeir Gonzales 

 

Posted by maiiam at 12:11 am | permalink | Add comment

dahil hindi ako marunong gumuhit

July 21, 2007

hindi ko alam kung ano ang ginawa ko nung bata ako kaya hindi ako natutong gumuhit. natututunan bang gumuhit ng alapaap? ng puno? o baka sadyang talento lang ang pundasyon. pero alam ko na, nung bata pa lang ako, hindi na talga para sa akin ang mga dibuhong iginuhit ng aking imahinasyon. 

kaya nagsulat lang ako, nagsulat nang nagsulat. dahil di ako marunong gumuhit, dahil di ako marunong matuto gumuhit. 

 

sa nakalipas na mga semestre, kumuha ako ng sandamakmak na mga MPS na sabjek (malikhaing pagsulat sa Filipino) mula sa mga batikan at kapita-pitagang propesor sa unibersidad, kabilang na si Ser Vlad– na mahilig sa mga action figures at usaping libog; si Ser Rene Villanueva– kung saan ang aming bawat pagkikita ay isang ehersisyo kung paano kalimutan ang kahihiyan habang niyuyurak ang iyong pagkatao; at si Ser Romulo Baquiran na mahilig pumasok ng late pero hindi kulang ang oras para bumilog upang matuto at magturuan ng kung paano lumikha ng isang sining na tinawag na pagsusulat. 

 

ang mga ipopost ko dito sa aking vanity space ay  ilan sa mga naipasa kong sulatin, isang paglalakbay ng aking imahinasyon sa mga bagay na aking naranasan, nararanasan at mararanasan; mga bagay na kinatakutan ko at ngayo'y aking tinakot sa tapang ng aking mga salita sa bawat pagsayaw ng mga daliri sa pagtipa kay qwerty– dahil di ako marunong gumuhit, tinuruan ko ang aking mga kamay ng ibang sining ng papel at lapis– ang sumulat. kahit papano. 

Posted by maiiam at 11:51 pm | permalink | Add comment

still life

July 18, 2007

This film 'still life'  was crafted by a former theresian, from batch '96. This was made by a former theresian, 8 years ahead of me. big difference.

 

 

After watching the trailer for the first time, i really don't know what to feel, or how to feel. I am confused with what to comment on first– the cinematography, the fact that the director is a former theresian, are the scenes actually shot in the philippines? or does such serene place exist, what is the story really about (ok, i did not get the gist of the 'still life' for the first time), or the fact that it made it to the rigorous cinemalaya auditions, ANO MAI?

 

I couldn't make up my mind, or is it really a question of i COULDN'Ts in life. I really just don't want to make up my mind right now, or else this would end up like another entry exhausted from frustration. i will spare you from that.

 

just watch and find it out on yourself.  

 

 

 

 

 

 

 

Posted by maiiam at 9:38 am | permalink | Add comment

parang

July 12, 2007

natatakot ako.

 

na baka hindi ko na matupad ang pangarap kong gumawa ng isang pelikula. parang ang imposible.

 

Posted by maiiam at 12:15 am | permalink | comments[2]

one Adobe at a time

July 11, 2007

'im sorry we're not photoshop savvy…"

 

IM SORRY TOO, NOH!

 

the long wait for 197 was a sign of more stressful waiting ahead. From the time that crs found us unworthy of 175, until the recent monograph designing quasi-competition. i have learned to lavish on sarcasm, stress, tears, coffee and constipation.

making the monograph series was what i could say the most stressful 3 days of my entire communication research life. it was the first time that i did not feel sleepy for 28 hours straight and the first time i had the opportunity to steal some shut-eye naps, i was holding a cutter with my right hand– i fell asleep while making the prototype of the box. it was almost a suicide in the making :) but making the monograph on your own (when you originally have groupmates to help you out with) is suicide in its very nature. 

 

i have to say that if i did not quasi-volunteered to endure the work load, i will never learn how to deal with adobe illustrator. i guess it was a blessing in disguise– to witness the sunset and sunrise while i was inching towards the success of the monographs. i can never proclaim and convince myself that i am in anyway, an artist. 'art is a taken-for-granted idea/ concept' (Gonzalez, 2007).I'd rather not abuse it for the sake of those who are really artists, who would really dwell in the arts.

 

I remember the episodic crying while accomplishing the monographs. it was inevitable, to cry and see my sister laughing at me while im so stressed for wanting to sleep and wash out my toxins for the consecutive days that i have delayed my morning rituals, because eating has become time-consuming, so all that i could really settle with was caffeine, sugar and computer monitor radiation (if there's any, i hope not).

 

come tuesday, just when i thought that i would instantly fell on my knees because i was emotionally incapacitated– anything will hurt me, even the slightest comment/suggestion. but then the criticisms did not come as i imagine them as spears in a projectile towards me but when the raisin oatmeal cookies came, it was over.  i am glad that my classmates appreciated what i can do, it was too much. 

 

after 197 i realized how much i am looking forward to expanding our horizons, channeling what we learned over the stressful days, how we can mix all of the Adobe and make a difference, how we can make our dreams come true (graphic design shirts, bags that will replace plastic pollutants) one Adobe program at a time. 

 

Posted by maiiam at 11:48 pm | permalink | comments[3]

hahahaha for breakfast on tolentino’s thursdays

i don't know where to start! i missed this blog, and i am sad that now that i really have the time to write, i am quite confused where to start… ok. here we go!

 

Comm 141 class, Sir Tolentino's mass media and society class

Of course, it was an 830 class… having been used to afternoon classes i was late, but not late enough like sir tolentino who came in 30 mins after, just when we were so excited to jump off our seats to call it a quits, until a familiar Mohawk came into view. 

 

Sir tolentino is the kind of teacher who earned all sorts of degrees in foreign places, taught in foreign lands, was a director of the film institute, do i need to say more? it's just he knows what he's talking about in class, and his Ph d proves it. 

 

so he starts the class discussing depoliticized subjects. take Ateneans for example. depoliticized individuals in a sense have been blinded by their comfortable lifestyles that they have turned away from any form of social responsibility.  then he randomly calls students according to their shirt color to explain everything related to this so-called depoliticization of individuals (where the hell did he get that term!).. miss white, miss blue.  i swear i was wearing a faint lavender that day, so when he called out 'miss white, third row… (then i start staring at my shirt in the hopes that he'll realize that it is LAVENDER!, in shock, i must've looked WHITE)… the question was to me, ms white: what is a civil society.

 

civil society… ponies prancing in my brain, tip tapping their heels, neighing… ewan ko, basta ang ingay sa utak ko. grabe 'civil society' lang di ko pa masagot. so there.my one-million peso answer was… 

"uhm, ang civil society ay mga miyembro ng lipunan na may pinapanatiling civil…" HUWAaAaAaAaAt!!!! tawa na lang si sir, sabay bounce ng kanyang mohawk, extreme embarassment and comedy for breakfast! :)

i slid down my seat and the tip tapping heels of the horses was drowned with the resonating laughter of my classmates and my Phd-degree holder prof. but i sure redeemed myself afterwards.

 

I have moved on by not coming to class the thursday after :) (I was not feeling well.. hahaha!) charing!  

 

 

 

 

     

 

Posted by maiiam at 11:25 pm | permalink | comments[1]

my last

July 4, 2007

Posted by maiiam at 12:47 am | permalink | Add comment

i

 

 

Posted by maiiam at 12:40 am | permalink | Add comment

     

March 2010
M T W T F S S
« Oct    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

Recent Photo

Message Board

sam:

=]

akira fujikawa:

hi watashi wa akira desu. arigato to all filipinoes…… i love philippines…

Austin:

Thanks For The Support!!! Nestle Kills Workers!!! Boycott All Nestle products!!!

Austin:

Thanks For The Support!!! Boycott All Nestle products!!!

Daena:

AMEN!

anna lee:

buti na lang ngayon ko lang nabasa tong mga entries na ito. baka naencourage akong wag magpasa kung sakali. hoho

anna lee:

buti na lang ngayon ko lang nabasa tong mga entries na ito. baka naencourage akong wag magpasa kung sakali. hoho

maiiam:

sorry naman dear! basta ngayon alam ko na ung spelling

anna lee:

wrong spelling kaya! hmpf! bago layout yet again. angsipag mo!

janmiguel:

hi mai! i miss you!!!!!!!!!

mai:

siyempre ikaw anali.. :) kulang ba sa citation?

anna lee:

who’s the Gonzalez that you quoted?

anna lee:

hala si mai naadik na sa softer world. so drama. haha

aei:

wow, that’s a so/very angelo-like comment!! (rahr!)

Angelo:

Compliment naman :) Pero siyempre namimiss pa rin namin yung dati, hehe

maiiam:

angelo: i don’t know what to make out of your comment!! is that an insult or compliment? nako,why did i bother to ask :D

Angelo:

Hi Mai. Love the kulot :) Very animalistic, rahr

aei:

pag nagkita na tayo, maybe things will be better? :D D

liz:

hello. dropping by. i love green too, as can be seen in my site. ;) please do visit some time.

bam:

………………………………..wla nman……..nagpaparamdam lang……v(x_x);

Leave a message ▼