Home » Archives » July 2007
Hibla*: isang sanasay tungkol sa pagbubunot ng patay na buhok at pagkabuhay ng kamalayan
July 22, 2007OO na. Mahilig na kung mahilig. Kahit pa takutin ako ng nanay ko na makakalbo ako katulad ni ninang ganito, wala akong pakialam. Para sa akin, walang makakahadlang sa pagkahilig ko sa bisyo na tinuring kong higit pa sa isang sugal. Isa itong uri ng paligsahan, pakikipagsapalaran, at isa ring tagumpay.
Masarap talga magbunot ng patay na buhok.
Paligsahan:
“Umupo sa isang bakanteng silya na malapit sa liwanag. Sumandal ng bahagya, pakawalan ang buhok mula sa pagkatali, suklayin ng iyong mga kamay. Gamitin ang hintuturo at hinlalaki upang maglakbay sa gubat ng iyong itim na buhok. Hayaan mong ipiston nila ang bawat hibla, hanapin ang magaspang, at baku-bakong hibla. Mas magaspang, mas baku-bako, mas kulot, mas patay, mas matagumpay!
Inunahan ko ang antok isang araw ng Linggo habang nagmimisa ang pari nang malunod ako sa katahimikan at init ng tanghali, una, hinaplos lang ng daliri ang aking buhok, sinuklay at saka ginalugad. Sabi nila sa lahat ng bagay mahirap mag-umpisa, tumanggi ako. Mas mahirap magtapos. Matapos ang sermon at pagbabasbas, umuwi ang aking mga nangangalay na braso na puno ng grasya, ng bagong talentong natuklasan sa panahong dapat inilapat ang palad sa dibdib sa pagdarasal.
Ang pinakakinasasabikan ko -higit sa kung gaano “kapatay” ang buhok na mabubunot ko- ay ang panahon na katuwang nito na nilalaan ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na iniinda ko sa karaniwang oras. Mga katotohanan na tinatalikuran ko lamang at pilit na inukubli sa anino ng aking mga halakhak at ngiti. Ito ang pagkakataon na nakikipagtalastasan ako sa aking sarili habang blankong nakatingin sa mga mapa ng tubig ulan sa aming kisame.
Habang ginagalugad ang gubat ng aking buhok, sabay kong tinatanong ang mga “bakit” ng aking buhay. Sa bawat hiblang aking hinahaplos, pinipiston ng dulo ng mga daliri, sumasaliw ang mga gunita ng kalungkutan. Kung bakit hindi kami mayaman, kung bakit naghihikahos ang bulsa’t kalooban sa kabila ng mga biyayang sa amin ay ipinagkaloob. Hindi nga tuyo’t tinapa ang laman ng aming hapag-kainan, ngunit ngumunguyngoy pa rin ang aming mga sikmura sa paghahangad ng mas maayos at panatag na buhay. Sabay bunot ng isang patay, makapal at kulut na kulot na hibla ng buhok. Hahawakan ang isang dulo ng aking hinalaki’t hintuturo, at hahaplusin ng kabilang kamay upang mapatunayan kung gaano kapatay ito. Maghahanap at maghahanap pa din, muling huhukayin ng aking galamay ang aking buhok hahanap ng mas patay, mas kulot, mas makapal na hibla na pwede kong ipagmalaki sa aking ate na kanya namang pandidirihan. Sa bawat patay na buhok na aking mabubunot alam kong “may mas patay pa sa patay”.
Pakikipagsapalaran:
“Hindi! Hayaan mo lang na mag-isip ang iyong kamay ayon sa kanyang kagustuhan. Huwag mong muling kitilin ang pagkakataon na malaya niyang makaniig ang iyong itim at panaka-nakang along buhok. Huwag kang tumigil sa isa, mayroo’t mayroon ka pang mahahanap. Ang mga maiikling tutyang ang madalas na mainam na target, maikli nga ngunit ituring mo itong hamon. Kapag nabunot mo, ilapat mo ang hibla sa liwanag, tignan ang baku-bakong daan, ang kinulot ng iyong isipan.
Wag kang papatalo sa pangangalay ng iyong braso, hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo ang iyong gusto, kailangan mo magtiis, sa banding huli, mapapawi din ang lahat ng pagod.”
Sa muling paggalugad, ako’y kukuritin ng diwang kung bakit di ako natutong makuntento sa buhay. Kumakain ako ng tatlong beses, at minsan, higit pa, sa isang araw, na kaya pa naming manood ng telebisyon magdamag, na nakakapag-aral pa ako! Na sa kabila ng mga sakit na bumabanta sa buhay ng tatay ko, nilalabanan niya ang pag- aabang ng huling hininga dala ng taba ng baboy at asukal sa softdrinks. Na ang nanay ko, sa kabila ng kakaunting suweldo at pagkalubog sa utang ay nakakabili pa ng gamot para sa tatay ko, nakakapamalengke pa, natutustusan ang pag-aaral ko, kahit nakakasakal ang lahat ng ito sa kanyang kita. Na kahit kaharian ng anay ang aming bahay, hindi pa rin ‘to gumuho matapos ang bagsik ni Milenyo. Na ako, kahit aanga-anga sa buhay, mahilig manood ng TV at maglakwatsa, nakakaraos ako at binabati ng mga dos sa pagsasara ng semestre. Hangga’t di pa nabubunot ang lahat ng patay na buhok, marahil di ko pa matututunang makuntento sa buhay.
“May mas igiginhawa pa ang ginhawang aming nakasanayan.”
Bakit ako makukuntento sa semi-patay na buhok kung may patay na patay talaga? At bakit nga naman ako makukuntento sa isang buhay na may mas sasagana at igiginhawa? Ang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng patay ng buhok ay halos katumbas ng isang paligsahan tungo sa “first place” sa finish line ng buhay. Hindi ako nagpakahirap makapasok sa UP para lang maging taga-timpla ng kape ng kung sinong posturang naka-kurbata, hindi nagpapakamatay ang nanay ko sa maghanap-buhay para lang mabigo ang kanyang pangarap, hindi lumalaban ang tatay para lang makita ang mas dayukdok na kinabukasan. Sa bawat buhok na binubunot, muling sisilay ang panibagong hibla. Itinatanim ang mga pangarap, pinaghihirapang kamtin upang may anihin.
Ang bawat patay na buhok na aking kinasasabikan ay isangpangaral sa aking gunita na ang konsepto ng patay ay di sisilay kung ni 86 kahit minsan ay di ako natutong mabuhay.
Tagumpay:
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, tinuruan ang aking kamayat palad na hawakan ang ibang hibla, ang hibla ng aking mga pangarap— yakapin ng palad ang lapis, ilapat sa papel, makipagtalastasan sa isipan. Tagumpay.
*ipinasa kay Ser Romulo Baquiran, pangunahing sanaysay, pagsasalamin ng manunulat at pagpapakilala.
5349*
Sa di-mabilang na panahon na magkasama kami ni Kika, memoryado ko na pati kilos ng bunganga niya. Kaya’t kapag namutawi na ang paunang katagang “pu” sa labi niya, alam kong galit siya. Pang-gabi kasi ang trabaho, este bisyo nitong si Kika, kaya kapag di siya nasarapan, este, natuwa sa kinalabasan ng gabi niya, alam kong kuwentong puro mura ang aking agahan. Pero kahit laway niya ang panghilamos sa umaga, tinatapos ko ang litanya ng kanyang mga problema. Marami ang nagtatanong kung paano ko siya natitiis sa kabila ng lahat, ang sabi ko: “madali lang makinig ang isang bingi."
*isang napaka-maikling kwentong ipinasa sa MPs 10, kay Ser Vlademeir Gonzales
dahil hindi ako marunong gumuhit
July 21, 2007hindi ko alam kung ano ang ginawa ko nung bata ako kaya hindi ako natutong gumuhit. natututunan bang gumuhit ng alapaap? ng puno? o baka sadyang talento lang ang pundasyon. pero alam ko na, nung bata pa lang ako, hindi na talga para sa akin ang mga dibuhong iginuhit ng aking imahinasyon.
kaya nagsulat lang ako, nagsulat nang nagsulat. dahil di ako marunong gumuhit, dahil di ako marunong matuto gumuhit.
sa nakalipas na mga semestre, kumuha ako ng sandamakmak na mga MPS na sabjek (malikhaing pagsulat sa Filipino) mula sa mga batikan at kapita-pitagang propesor sa unibersidad, kabilang na si Ser Vlad– na mahilig sa mga action figures at usaping libog; si Ser Rene Villanueva– kung saan ang aming bawat pagkikita ay isang ehersisyo kung paano kalimutan ang kahihiyan habang niyuyurak ang iyong pagkatao; at si Ser Romulo Baquiran na mahilig pumasok ng late pero hindi kulang ang oras para bumilog upang matuto at magturuan ng kung paano lumikha ng isang sining na tinawag na pagsusulat.
ang mga ipopost ko dito sa aking vanity space ay ilan sa mga naipasa kong sulatin, isang paglalakbay ng aking imahinasyon sa mga bagay na aking naranasan, nararanasan at mararanasan; mga bagay na kinatakutan ko at ngayo'y aking tinakot sa tapang ng aking mga salita sa bawat pagsayaw ng mga daliri sa pagtipa kay qwerty– dahil di ako marunong gumuhit, tinuruan ko ang aking mga kamay ng ibang sining ng papel at lapis– ang sumulat. kahit papano.
still life
July 18, 2007This film 'still life' was crafted by a former theresian, from batch '96. This was made by a former theresian, 8 years ahead of me. big difference.
After watching the trailer for the first time, i really don't know what to feel, or how to feel. I am confused with what to comment on first– the cinematography, the fact that the director is a former theresian, are the scenes actually shot in the philippines? or does such serene place exist, what is the story really about (ok, i did not get the gist of the 'still life' for the first time), or the fact that it made it to the rigorous cinemalaya auditions, ANO MAI?
I couldn't make up my mind, or is it really a question of i COULDN'Ts in life. I really just don't want to make up my mind right now, or else this would end up like another entry exhausted from frustration. i will spare you from that.
just watch and find it out on yourself.
parang
July 12, 2007natatakot ako.
na baka hindi ko na matupad ang pangarap kong gumawa ng isang pelikula. parang ang imposible.
one Adobe at a time
July 11, 2007'im sorry we're not photoshop savvy…"
IM SORRY TOO, NOH!
the long wait for 197 was a sign of more stressful waiting ahead. From the time that crs found us unworthy of 175, until the recent monograph designing quasi-competition. i have learned to lavish on sarcasm, stress, tears, coffee and constipation.
making the monograph series was what i could say the most stressful 3 days of my entire communication research life. it was the first time that i did not feel sleepy for 28 hours straight and the first time i had the opportunity to steal some shut-eye naps, i was holding a cutter with my right hand– i fell asleep while making the prototype of the box. it was almost a suicide in the making
but making the monograph on your own (when you originally have groupmates to help you out with) is suicide in its very nature.
i have to say that if i did not quasi-volunteered to endure the work load, i will never learn how to deal with adobe illustrator. i guess it was a blessing in disguise– to witness the sunset and sunrise while i was inching towards the success of the monographs. i can never proclaim and convince myself that i am in anyway, an artist. 'art is a taken-for-granted idea/ concept' (Gonzalez, 2007).I'd rather not abuse it for the sake of those who are really artists, who would really dwell in the arts.
I remember the episodic crying while accomplishing the monographs. it was inevitable, to cry and see my sister laughing at me while im so stressed for wanting to sleep and wash out my toxins for the consecutive days that i have delayed my morning rituals, because eating has become time-consuming, so all that i could really settle with was caffeine, sugar and computer monitor radiation (if there's any, i hope not).
come tuesday, just when i thought that i would instantly fell on my knees because i was emotionally incapacitated– anything will hurt me, even the slightest comment/suggestion. but then the criticisms did not come as i imagine them as spears in a projectile towards me but when the raisin oatmeal cookies came, it was over. i am glad that my classmates appreciated what i can do, it was too much.
after 197 i realized how much i am looking forward to expanding our horizons, channeling what we learned over the stressful days, how we can mix all of the Adobe and make a difference, how we can make our dreams come true (graphic design shirts, bags that will replace plastic pollutants) one Adobe program at a time.
hahahaha for breakfast on tolentino’s thursdays
i don't know where to start! i missed this blog, and i am sad that now that i really have the time to write, i am quite confused where to start… ok. here we go!
Comm 141 class, Sir Tolentino's mass media and society class
Of course, it was an 830 class… having been used to afternoon classes i was late, but not late enough like sir tolentino who came in 30 mins after, just when we were so excited to jump off our seats to call it a quits, until a familiar Mohawk came into view.
Sir tolentino is the kind of teacher who earned all sorts of degrees in foreign places, taught in foreign lands, was a director of the film institute, do i need to say more? it's just he knows what he's talking about in class, and his Ph d proves it.
so he starts the class discussing depoliticized subjects. take Ateneans for example. depoliticized individuals in a sense have been blinded by their comfortable lifestyles that they have turned away from any form of social responsibility. then he randomly calls students according to their shirt color to explain everything related to this so-called depoliticization of individuals (where the hell did he get that term!).. miss white, miss blue. i swear i was wearing a faint lavender that day, so when he called out 'miss white, third row… (then i start staring at my shirt in the hopes that he'll realize that it is LAVENDER!, in shock, i must've looked WHITE)… the question was to me, ms white: what is a civil society.
civil society… ponies prancing in my brain, tip tapping their heels, neighing… ewan ko, basta ang ingay sa utak ko. grabe 'civil society' lang di ko pa masagot. so there.my one-million peso answer was…
"uhm, ang civil society ay mga miyembro ng lipunan na may pinapanatiling civil…" HUWAaAaAaAaAt!!!! tawa na lang si sir, sabay bounce ng kanyang mohawk, extreme embarassment and comedy for breakfast!
i slid down my seat and the tip tapping heels of the horses was drowned with the resonating laughter of my classmates and my Phd-degree holder prof. but i sure redeemed myself afterwards.
I have moved on by not coming to class the thursday after
(I was not feeling well.. hahaha!) charing!




