Home » Post Item » 5349*
5349*
July 22, 2007Sa di-mabilang na panahon na magkasama kami ni Kika, memoryado ko na pati kilos ng bunganga niya. Kaya’t kapag namutawi na ang paunang katagang “pu” sa labi niya, alam kong galit siya. Pang-gabi kasi ang trabaho, este bisyo nitong si Kika, kaya kapag di siya nasarapan, este, natuwa sa kinalabasan ng gabi niya, alam kong kuwentong puro mura ang aking agahan. Pero kahit laway niya ang panghilamos sa umaga, tinatapos ko ang litanya ng kanyang mga problema. Marami ang nagtatanong kung paano ko siya natitiis sa kabila ng lahat, ang sabi ko: “madali lang makinig ang isang bingi."
*isang napaka-maikling kwentong ipinasa sa MPs 10, kay Ser Vlademeir Gonzales
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


