to wither away

just BE
just write.

Hibla*: isang sanasay tungkol sa pagbubunot ng patay na buhok at pagkabuhay ng kamalayan

July 22, 2007

OO na. Mahilig na kung mahilig. Kahit pa takutin ako ng nanay ko na makakalbo ako katulad ni ninang ganito, wala akong pakialam. Para sa akin, walang makakahadlang sa pagkahilig ko sa bisyo na tinuring  kong higit pa sa isang sugal. Isa itong uri ng paligsahan,   pakikipagsapalaran, at isa ring tagumpay.  

                      Masarap talga magbunot ng patay na buhok.

 

                      Paligsahan:

 

               “Umupo sa isang bakanteng silya na malapit sa liwanag. Sumandal ng bahagya, pakawalan ang buhok mula sa pagkatali,  suklayin ng iyong mga kamay. Gamitin ang hintuturo at hinlalaki upang maglakbay sa gubat ng iyong itim na buhok. Hayaan mong ipiston nila ang bawat hibla, hanapin ang magaspang, at baku-bakong hibla. Mas magaspang, mas baku-bako, mas kulot, mas patay, mas matagumpay!

 

              Inunahan ko ang antok isang araw ng Linggo habang nagmimisa ang pari nang malunod ako sa katahimikan at init ng tanghali, una, hinaplos lang ng daliri ang aking buhok, sinuklay at saka ginalugad. Sabi nila sa lahat ng bagay mahirap mag-umpisa, tumanggi ako. Mas mahirap magtapos. Matapos ang sermon at pagbabasbas, umuwi      ang aking mga nangangalay na braso na puno ng grasya, ng bagong talentong natuklasan sa panahong dapat inilapat ang palad sa dibdib sa pagdarasal.

 

                   Ang pinakakinasasabikan ko -higit sa kung gaano “kapatay” ang buhok na mabubunot ko- ay ang panahon na katuwang nito na nilalaan ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na iniinda ko sa   karaniwang oras. Mga katotohanan na tinatalikuran ko lamang at pilit na  inukubli sa anino ng aking mga halakhak at ngiti. Ito ang pagkakataon  na nakikipagtalastasan ako sa aking sarili habang blankong nakatingin sa  mga mapa ng tubig ulan sa aming kisame.

 

                  Habang ginagalugad ang gubat ng aking buhok, sabay kong tinatanong ang mga “bakit” ng aking buhay. Sa bawat hiblang aking hinahaplos, pinipiston ng dulo ng mga daliri, sumasaliw ang mga gunita ng kalungkutan. Kung bakit hindi kami mayaman, kung bakit naghihikahos ang bulsa’t kalooban sa kabila ng mga biyayang sa amin ay ipinagkaloob. Hindi nga tuyo’t tinapa ang laman ng aming hapag-kainan, ngunit ngumunguyngoy pa rin ang aming mga sikmura sa paghahangad ng mas maayos at panatag na buhay. Sabay bunot ng isang patay, makapal at kulut na kulot na hibla ng buhok. Hahawakan ang isang dulo ng aking hinalaki’t hintuturo, at hahaplusin ng kabilang kamay upang mapatunayan kung gaano kapatay ito. Maghahanap at maghahanap pa din, muling huhukayin ng aking galamay ang aking buhok hahanap ng mas patay, mas kulot, mas makapal na hibla na pwede kong ipagmalaki sa aking ate na kanya namang pandidirihan. Sa bawat patay na buhok na aking mabubunot alam kong “may mas patay pa sa patay”.

 

        Pakikipagsapalaran:

 

       “Hindi! Hayaan mo lang na mag-isip ang iyong kamay ayon sa kanyang kagustuhan. Huwag mong muling kitilin ang    pagkakataon na malaya niyang makaniig ang iyong itim at panaka-nakang along buhok. Huwag kang tumigil sa isa, mayroo’t mayroon ka pang mahahanap. Ang mga maiikling tutyang ang madalas na mainam na target, maikli nga   ngunit ituring mo itong hamon. Kapag nabunot mo, ilapat mo ang hibla sa liwanag, tignan ang baku-bakong daan, ang kinulot ng iyong isipan. 

Wag kang papatalo sa pangangalay ng iyong braso, hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo ang iyong gusto, kailangan mo magtiis, sa banding huli, mapapawi din ang lahat ng pagod.”  

        Sa muling paggalugad, ako’y kukuritin ng diwang kung bakit di ako natutong makuntento sa buhay. Kumakain ako ng tatlong beses, at minsan, higit pa, sa isang araw, na kaya pa naming manood ng telebisyon magdamag, na nakakapag-aral pa ako! Na sa kabila ng mga sakit na bumabanta sa buhay ng tatay ko, nilalabanan niya ang pag- aabang ng huling hininga dala ng taba ng baboy at asukal sa softdrinks.  Na ang nanay ko, sa kabila ng kakaunting suweldo at pagkalubog sa utang ay nakakabili pa ng gamot para sa tatay ko, nakakapamalengke pa, natutustusan ang pag-aaral ko, kahit nakakasakal ang lahat ng ito sa kanyang kita. Na kahit kaharian ng anay ang aming bahay, hindi pa rin ‘to gumuho matapos ang bagsik ni Milenyo. Na ako, kahit aanga-anga sa buhay, mahilig manood ng TV at maglakwatsa, nakakaraos ako at binabati ng mga dos sa pagsasara ng semestre. Hangga’t di pa nabubunot ang lahat ng patay na buhok, marahil di ko pa matututunang makuntento sa buhay.  

 

                    “May mas igiginhawa pa ang ginhawang aming nakasanayan.”

 

                    Bakit ako makukuntento sa semi-patay na buhok kung may patay na patay talaga? At bakit nga naman ako makukuntento sa isang buhay na may mas sasagana at igiginhawa? Ang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng patay ng buhok ay halos katumbas ng isang paligsahan tungo sa “first place” sa finish line ng buhay. Hindi ako nagpakahirap makapasok sa UP para lang maging taga-timpla ng kape ng kung sinong   posturang naka-kurbata, hindi nagpapakamatay ang nanay ko sa maghanap-buhay para lang mabigo ang kanyang pangarap, hindi lumalaban ang tatay para lang makita ang mas dayukdok na kinabukasan. Sa bawat buhok na binubunot, muling sisilay ang     panibagong hibla. Itinatanim ang mga pangarap, pinaghihirapang kamtin upang may anihin.

 

 

                   Ang bawat patay na buhok na aking kinasasabikan ay isangpangaral sa aking gunita na ang konsepto ng patay ay di sisilay kung ni 86  kahit minsan ay di ako natutong mabuhay.

 

        Tagumpay:

 
                   Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, tinuruan ang aking kamayat palad na hawakan ang ibang hibla, ang hibla ng aking mga pangarap— yakapin ng palad ang lapis, ilapat sa papel, makipagtalastasan sa isipan. Tagumpay.

 

*ipinasa kay Ser Romulo Baquiran, pangunahing sanaysay, pagsasalamin ng manunulat at pagpapakilala. 

 

 

Posted by maiiam at 12:24 am | permalink

Previous Comments

*standing ovation*

:)

Posted by gen e sis at July 26, 2007, 1:14 pm

Mag-ingat ka lamang kaibigan at dapat ay patay na buhok ang iyong bunutin. Yuck, ang pangit ng diction. ;p

Posted by Angelo at July 27, 2007, 3:37 pm

“Itinatanim ang mga pangarap, pinaghihirapang kamtin upang may anihin.”

Ay true! hehe

pero seriously, GALENG! sana pala, hindi ko tinanggihan ang offer mo na bigyan ako ng hardcopy.

Tungkol sa pangarap, nabuhay kasi ako na nangangarap para sa sarili. Mas masarap palang mangarap para sa nakararami, mag nagiging matatag ka at mas nababalewala ang bawat sakripisyo.

sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng nangyayari. Nakakaiyak. Nakakaiyak talaga.

Posted by anali at July 28, 2007, 11:14 pm

kahit ako sobrang natutuwa sa lahat ng nangyari, di ko akalain na kaya ko at worthy ako.

tama ka, nakakaiyak!

Posted by mai at July 29, 2007, 12:03 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

July 2007
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Recent Photo

Message Board

sam:

=]

akira fujikawa:

hi watashi wa akira desu. arigato to all filipinoes…… i love philippines…

Austin:

Thanks For The Support!!! Nestle Kills Workers!!! Boycott All Nestle products!!!

Austin:

Thanks For The Support!!! Boycott All Nestle products!!!

Daena:

AMEN!

anna lee:

buti na lang ngayon ko lang nabasa tong mga entries na ito. baka naencourage akong wag magpasa kung sakali. hoho

anna lee:

buti na lang ngayon ko lang nabasa tong mga entries na ito. baka naencourage akong wag magpasa kung sakali. hoho

maiiam:

sorry naman dear! basta ngayon alam ko na ung spelling

anna lee:

wrong spelling kaya! hmpf! bago layout yet again. angsipag mo!

janmiguel:

hi mai! i miss you!!!!!!!!!

mai:

siyempre ikaw anali.. :) kulang ba sa citation?

anna lee:

who’s the Gonzalez that you quoted?

anna lee:

hala si mai naadik na sa softer world. so drama. haha

aei:

wow, that’s a so/very angelo-like comment!! (rahr!)

Angelo:

Compliment naman :) Pero siyempre namimiss pa rin namin yung dati, hehe

maiiam:

angelo: i don’t know what to make out of your comment!! is that an insult or compliment? nako,why did i bother to ask :D

Angelo:

Hi Mai. Love the kulot :) Very animalistic, rahr

aei:

pag nagkita na tayo, maybe things will be better? :D D

liz:

hello. dropping by. i love green too, as can be seen in my site. ;) please do visit some time.

bam:

………………………………..wla nman……..nagpaparamdam lang……v(x_x);

Leave a message ▼